OPM is NOT DEAD

Karamihan ng mga Pinoy nagsasabing patay na ang OPM. Bakit? Iba na raw yung tunog. Hindi na tulad ng dati. Wala na bang makakahigit kanila Rey Valera, Ogie Alcasid, Kuh Ledesma, Lani Misalucha? Wala na bang makakapantay sa Eraserheads at Rivermaya? Siguro oo. Siguro hindi.  Ani nila ito raw kasi yung mga rason bakit patay na ang OPM:
 
1. Nasaan na ang mga music artists na nakilala natin sa singing competitions tulad ng The Voice at iba pa? HIndi sila nabibigyan ng break na nararapat para sa kanila.
2. Basta sikat kahit hindi marunong kumanta nagkaka-record at album.
3. Basta sikat kahit hindi marunong kumanta napaparangalan sa larangan ng musika at nababansagang isa sa mga mahuhusay.
4. Samantala karamihan ng mga passionate sa music at may angking galing at talinhaga ay hindi napapansin at hindi nabibigyan ng parangal.
5. Mas naririnig natin ang kanta ng mga artistang hindi naman singer pero may album.
6. Hindi natin madalas marinig ang mga boses ng naturingang singer talaga.
7. Makikilala lang natin ang mga musikerong ito kapag nagbrowse tayo sa YouTube, nanood ng gigs, at kapag nirefer sila sa atin ng mga kakilala natin.
8. Nasaan na ang mga composer at producer na dedicated sa music, hindi lang puro sa pera?
9. Mas pumapatok ang mga awiting wala naman saysay kaysa sa mga awiting may kabuluhan at malalalim ang mensahe.
10. Tayo rin ang may kagagawan. Hindi ko alam ano bang pamantayan ng Pinoy sa pagpali ng awiting tatangkilikin.
 

OPM is NOT DEAD!

Pero ang Philippine Music Industry, may kakulangan. Hindi pa patay ang OPM dahil may mga music artists ang patuloy na lumilikha ng musika. Ito ang musika na dapat mas tinatangkilik ng Pinoy. Hindi lang sila basta singers, composers at bands dahil may mas malalim silang adhikain. Hatid nila ang musikang Pinoy. Hindi man sila gaanong sikat, hindi yun naging dahilan para tumigil sila sa larangan ng music. Sana ay mas mabigyan natin ng pansin ang mga genius na tulad nila Sud, Clara Benin, TJ Monterde, Migz Haleco, Ericka Villanueva, Emmanuelle at marami pang iba. Sana mas pinapakinggan natin ang mga banda na nasa Underground. Sana ay hindi tayo magmistulang bingi sa tunay na music. Sila ang tunay na bumubuo sa musikang Pinoy, sa OPM. Aabangan ko ang panahon na mas makikilala na sila, mas maririnig na ang awitin, at mas bibigyan ng karangalan sa kanilang angking husay at galing sa pag-awit.
 
Kaya sa susunod na sabihin mong “Patay na ang OPM,” alalahanin mo yung mga Pinoy artists na nagpupursigi at nagsusumikap upang maabot ang mga pangarap nila, upang mas marinig ang awit nila, upang matuntong ang stage at spotlight at upang makamit ang tinatamasang karangalan at tagumpay sa industriya ng musikang Pilipino.

 

 

Did you like what you read? Be updated when new posts come up!
Share this:

9 Replies to “OPM is NOT DEAD”

  1. Nakakarelate ako. I know the struggle. My boyfriend and his band just finished recording their album pero digital lang marerelease. Sila pa yung maglalabas ng pera para makaproduce ng cds. Bakit? Kasi kahit gaano pa kaganda yung musika, kung mahina ang suporta sa music industry, wala. Ang hirap. Hopefully, maging successful yung ilalabas nilang album. 🙂

  2. Hopefully nga, ate. Basta sana pagpatuloy pa rin nila kuya ang pagtugtog. Eventually makakarating din sila sa gusto nilang mapuntahan sa music industry. Marami naman po ako kilalang sumusuporta sa underground bands/music. (:

  3. Thanks for the sensible critique. Me & my neighbor were just preparing to do a little research about this.

    We got a grab a book from our local library but I think
    I learned more clear from this post. I’m very glad to see such great info being shared freely out
    there.

  4. West Ham United’s on-loan Barcelona midfielder Alex Song has picked his #one2eleven of stars he played alongside throughout his career, on The Fantasy Football Club on Sky Sports. Alex Song names NINE Barcelona players including Lionel Messi, Neymar, Andres Iniesta and Xavi in his Fantasy Football XI

  5. I feel that is one of the so much important information for me. And i’m glad reading your article. But want to commentary on few normal things, The website taste is wonderful, the articles is truly nice : D. Good activity, cheers

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *