Ligaw Tips 101

SAVE

Save money and save time. Practically speaking, mahigpit ang pangangailangan ng pera sa panliligaw. Papaano kayo makakapagdate kung walang pera? Secondly, papaano ka magiging successful sa panliligaw kung wala ka naman time sa kanya? May pera ka nga, wala ka naman oras. May oras ka nga, wala ka naman pera.

 

GREETINGS, COMPLIMENTS, PICK UP LINES AND LONG MESSAGES

Lahat naman siguro ng babae kikiligin sa simpleng “Good morning beautiful”, “Kumain ka na ba?”, “Ingat ka ha”, “Mas maganda ka pa sa gabi”, “Good night princess. Sleep tight.” Pati compliments. “You look beautiful.” “Ang ganda ng smile mo.” “I like your eyes.” “Bagay sayo yung suot mo.” “Ang ganda ng boses mo. I can listen to your voice all day.” Tapos banatan mo ng pick up lines. Wag mong isipin kung korni. Ibanat mo yan. Kikiligin yan. Long messages, yes. Girls love that. Basta yung may sense naman ha. Yung tagos sa puso. Parang ganito…
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

SURPRISES

Girls love surprises. Hindi naman siguro lahat mahilig sa surprises pero if ever may nagsurprise sa kanya, bakit naman hindi niya maaappreciate yon? Jusko. Kapag hindi niya naappreciate yon, baka may sipa siya sa ulo, day. Hindi naman porke surprise, ibigsabihin grande na agad agad. Pwede naman yung simpleng bagay lang. Katulad ng paggawa ng mga bagay na hindi niya ineexpect na gagawin mo. Okay nang magsimula sa maliliit na bagay. Bago humantong sa grandeng sorpresa.
 
Alamin mo kung siya ba yung tipo na mahilig sa surprises. Paano? Koya, may social media. Ano ba. Hanapin mo lang kung may napost siya about sa surprises. Yung nagkakalat na video ng mga surprises. O kaya tanungin mo na lang sa friends niya.

 

DATES: SPONTANEITY VS. SIMPLICITY

Alamin mo kung ano mas trip niya. Anong klaseng date ba ang gusto niya? Siya ba yung tipong gusto pinaghahandaan at pinagpa-planuhan ang mga lakad niyo? Kakain sa restaurants, pupunta sa espesyal na lugar. O siya yung tipo na “Wala akong magawa. Nauurat ako dito. Tara labas tayo.” Tapos bahala na kung saan kayo mapunta. Kahit walang plano at walang paghahanda sa sarili, nakakalabas kayo. Or she’s a mixture of both? Gusto niya yung natural lang at simple. Gusto niya rin yung pinaghahandaan at pinagpa-planuhan once in a while.
 
DISKARTE
Oo, ginawa mo na lahat ng nasa tips pero parang malabo pa rin. Baka kasi kulang ka sa diskarte. Know her quirks. Kung ano magpapakiliti sa kanya. (I don’t mean it literally) Know her interests. Alamin mo kung saang bagay kayo nagkakasundo.

 

WAG KANG DEMANDING.

Nanliligaw ka pa lang, oy. Baka kung magdemand ka sa kanya daig pa nanay ah? Remember, ikaw ang nanliligaw. Wag masyadong feeling pogi. Wag masyadong feeling boss. Wag yung “Ikaw pumunta dito kasi may ginagawa pa ako.” Kahit ok lang sakanya, wag mong ipapagawa yun. Wag mo rin siyang paghihintayin nang mahigit sa isang oras. Kahit ok sakanya, wag kang papayag. Wag mo rin siyang pagagawin ng tasks mo. Ok lang na tumulong siya pero kahit ialok niya na siya na ang gagawa, huwag. It’s a big NO. And always message first. Kasi sa ganitong bagay niya nalalaman kung interesado ka bang kausapin siya. Mahalaga yun. Lahat ng bagay na ‘to, makikita na agad ang ugali mo bilang potential boyfriend at lifetime partner. Kaya girls, remind ko lang, do not choose someone irresponsible. Ganun din sa inyo, boys.

 

EFFORT. CONSISTENCY. ASSURANCE.

These are the three things that girls look for in a guy she’s willing to give her world to. Laging magkaakibat yang tatlo. Kaya guys, make sure you possess these three things.
 

Effort. Numero uno. Ipakita mo sa kanya kung gaano ka kaseryoso at katapat sa pagpapahayag ng damdamin mo sa paraang alam mo. Make sure your efforts are recognized and appreciated.

Consistency. Wag kang parang multo na lilitaw lang kung kailan niya trip. Oo, nag-eeffort ka nga pero hindi ka naman consistent. Labo mo. Wag ganun, tol. Icoconfuse mo lang ang babae. Dapat hindi siya mapapatanong ng, “Gusto niya ba talaga ako?” Dapat ganito siya mag-isip, “Wew. Mukhang gusto nga talaga ako nito.”
 
Assurance. Dahil mahalaga sa girls na alam nilang sigurado ang lalaki sa kanila. Na hindi sila option lang. O pampalipas lang. Na seryoso yung lalaki. Hindi gago gago. Hindi ma-chix. Lagi mong ipaalala kung gaano mo siya kagusto. Mahalaga yun. Wag kang mapapagod at wag kang tatamarin sa pag-express.

 

TIPS TO GIRLS NA NILILIGAWAN:

Bago mo sagutin. kilalanin mo muna siya nang husto. Know his fears. Ano ang mga bagay na nagpapatakot sa kanya? Multo? Heights? Ipis? Or something greater like… Losing his mom? Failing?
Know some of his secrets. Yung walang ibang nakakaalam. Yung tipong shinare niya sayo dahil mahalaga ka sa kanya at may tiwala siya sayo.
 
Tapos alamin mo kung paano siya magalit. Nananakit ba nang pisikal? Verbal? Nagdadabog? O silent lang? Gusto niya mag-isa? Alamin mo. Importanteng alam mo.
 
Trust. Matuto kang magtiwala. Higit sa love, dapat may trust. If he fails you, it’s on him. And remember, trust is the strongest foundation you will build in a relationship.
 
 
Para sa lahat ng mga nanliligaw at may balak na manligaw
Good luck. Sana mapasagot mo siya. Sa lahat ng nanliligaw na nagtatanong: Papaano kung nagawa ko na ang lahat ng kaya kong gawin, pero wala pa rin? Ang sagot, MOVE ON. Dahil yun na ang natatanging gagawin.
Did you like what you read? Be updated when new posts come up!
Share this:

2 Replies to “Ligaw Tips 101”

  1. There are some attention-grabbing deadlines in this article but I don’t know if I see all of them middle to heart. There is some validity however I’ll take hold opinion until I look into it further. Good article , thanks and we want extra! Added to FeedBurner as nicely

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *